Travel

Click here for more trips and food stops that you could check out.

Recent Trip:

10 TYPES OF CO-PASSENGERS YOU’LL MEET ON PUBLIC TRANSPORT:

(Only in the Philippines)

THE PASOSYAL.

Ito yung pasaherong nakataas ang kamay para ipag-mayabang ang bago niyang Iphone. Ito din yung pasahero na namaos ka na sa kakasigaw ng“Paabot ng Bayad!!!” eh, hindi ka pa din lilingunin dahil rich daw siya at bawal siya utusan.

THE FOODIE.

Siya naman yung pasahero na mula pag-sakay, hanggang pagbaba eh nguya lang ng nguya. Minsan siya din yung pasaherong kinaiingitan mo kapag wala ka ng pera at di ka pa kumakain.

THE FOODIE 2.0. 

Ito naman yung pinaiingit ka na nga sa kinakain niya, daig pa ang may installed megaphone sa bibig sa lakas ngumuya. Pakiusap, hinay-hinay naman po.

THE SPACE-SHIT. 

Ito, epal ‘to eh. Ito yung pasahero na kung makabukaka at maka-side view, akala mo private car ang sinasakyan. Magka-pigsa po sana kayo sa pwet.

THE REKLAMADOR.

“Manong paki-bilis!”, “Ano ba ‘yan ang sikip!”, “Jusko ang init naman dito!”. Ilan lang yan sa bukam-bibig ng pasaherong ito. Siya yung kung makareklamo, ang sarap sigawan na sana nag-taxi na lang siya para masaya.

THE ANTUKIN.

Kung regular commuter ka, imposibleng hindi mo pa nakakasalamuha ang pasaherong ito. Siguro call center agent, puyat sa exams, o kaya generally pagod lang talaga siya, pero ito yung pasahero na haggard mula pagsakay hanggang pagbaba.

THE ANTUKIN 2.0

Eto yung, tulog na nga ng tulog, aba, gagawin ka pa atang unan.

THE MANYAKIS.

Malaki ang tiyan, napapanot, dilaw ang ngipin, at mukhang may B.O. Yan lang naman ang “star qualities” ng pasaherong ito. Siya yung kung makatingin parang dina-dry hump ka niya sa imagination niya. Malas mo lang talaga pag nakatabi mo siya.

THE DUGYOT.

Bukod sa “star qualities” na meron ang pasaherong manyakis, ‘tong pasahero naman na ito ay may pabaon pang pangungulangot, pag-ubong may malutong na plema, at pagpunas ng sipon sa damit niya.

THE NEWSCASTER.

Actually, chismosa is the right term. Pero para sosyal, newscaster na lang. Daig pa nito si Gretchen Fullido kung makapag-report ng latest chismis.

THE MUSIC LOVER.

Uso to ngayon eh. Yung pa-emo effect, may earphones sa tenga at nakatingin pa sa labas, na akala mo nasa music video.

THE LOVERS.

Mawawala ba naman ito? Kadalasan teenagers, minsan ma-jonda, either way kadiri pa rin.

Sila din ba ang nakakasakay mo sa jeep, mrt, lrt, o bus? Kung oo, share mo naman experience mo and comment down below🙂

THE